BABALA!
SENSITIBONG BALITA:

Umaabot umano sa halagang Php 1,376,000.00 ang pinagsususpetsahang shabu na tuimitimbang ng 202.36 grams ang nasamsam ng kapulisan sa Bulacan sa dalawang suspek na isang babae at isang lalaki.

Base sa report na isinumite kay Police Director Jose S. Hidalgo Jr., 4:30 ng madaling araw noong May 25, 2024 nang isagawa ang anti-illegal drug operation ng Guiguinto Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga umano’y tulak na sina alias “Elmer” at “Lara”.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong violations of Sections 5 and 11 of Article II of Republic Act No. 9165.