BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Nadakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bataan ang dalawang indibiduwal na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga at nakumpiska sa kanila ang hinihinalang shabu na nagkakahala ng Php2.3 million pesos.

Base sa report ng Police Regional Office 3, alas diyes ng gabi noong March 18, 2024 nang isagawa ng kapulisan ang operasyon sa Barangay Mt. View, Mariveles kung saan nakipag transaksyon ang isang undercover officer sa mga suspek.

Nagresulta umano ito sa pagkakakumpiska ng apat na plastic sachets na naglalaman ng shabu na may estimated na timbang na 350 grams, kabilang ang isang caliber .45 revolver na baril.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Mariveles Police Station.