BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Tumataginting na Php 3,400,000.00 ang halaga ng nasamsam na pinagsususpetsahang shabu ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation noong May 12, 2024 sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ni Police Regional Director Jose S. Hidalgo Jr. ang mga suspek na sina alias “Lex” and alias “Dam”, kapwa nakalista bilang high value individuals na nakuhanan ng nasabing droga na tumitimbang ng 500 grams.

Ang dalawang suspek na naaresto at mga ebidensyang nakumpiska mula sa kanila ay dinala umano sa Forensic Satellite Office ng San Jose del Monte para sa laboratory and drug test examination.