BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Naaresto sa magkasunod na operasyon ng mga pulis sa Central Luzon ang sampong drug suspect kabilang ang high-value individual (HVI), at nakumpiska mula sa mga ito ang pinagsususpetsahang shabu na nagkakahalaga ng halos PHP80,000.00.
Base sa report ng Police Regional Office 3, umaga nang February 13, 2024 nang magsagawa sa Barangay Sta. Cruz ng sting operation ang Magalang Police Station sa Pampanga na nagresulta sa tinaguriang high-value individual kung saan nakuha ang 56 grams ng droga na nagkakahalaga ng higit PHP380,000.00.
Habang sa drug operation naman noong February 13, 2024 sa isang bahay sa Barangay Kitang Limay, Bataan nadakip ang limang lalaki at apat na babae na sangkot umano sa illegal drug activities.
Nasamsam sa mga ito ang tinatayang 60 grams ng shabu na halagang PHP408,000.00.

