PHP1.6M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA BALANGA CITY

Arestado ang isang Newly Identified High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Tuyo, Balanga City, Bataan noong September 30 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Norodin”, 33 years old, may asawa, at residente ng Barangay Tugatog, Orani, Bataan.

Sa ulat ng Balanga City Police Station, dinakip ang suspek matapos itong magbenta sa nagpanggap na buyer na pulis ng isang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang knot-tied plastic sachet, isang VIVO cellphone, isang Php500 bill.

Umabot umano sa 240 grams ng hinihinalang shabu ang kabuuang nakumpiska na may Standard Drug Price na Php1,632,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.