BABALA: SENSITIBONG BALITA!

PHP150K NA HALAGA NG MGA PEKENG SIGARILYO, NAKUMPISKA SA ZARAGOZA

Nahaharap sa kasong violation of the Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) ang dalawang kalalakihan na nakuhanan ng Php150,000.00 na halaga ng mga pekeng sigarilyo.

Base sa report ng NEPPO, 11:45 umaga noong November 8, 2024 nang makumpiska sa dalawa ang mga sigarilyo sa isinagawang anti-criminality checkpoint ng pinag-sanib pwersa ng Zaragoza MPS and 2nd Maneuver Platoon 1st PMFC-NEPPO sa Barangay Sto. Rosario Young, Zaragoza, Nueva Ecija.

Pinahinto umano ng mga awtoridad ang isang brown metallic Toyota Vios. Sumunod naman ang driver at nakita sa routine check ang 11 boxes ng Carnival at dalawang kahon ng HP cigarettes.

Dahil nabigong mag-prisenta ng mga kaukulang dokumento ang dalawang suspek ay inaresto ang mga ito.