BABALA! SENSITIBONG BALITA:

PHP2.5-MLLION, PABUYA PARA MAHULI ANG APAT PANG SUSPEK SA NAKAWAN SA BALAGTAS, BULACAN NA SANGKOT ANG ILANG PULIS

Inihayag ni Police Region 3 Director Jose S. Hidalgo Jr. na may isang pribadong indibidwal na nag–alok ng Php25-million pabuya, kapalit ng impormasyon na magkapagtuturo para maaresto ang apat pa sa pitong suspek sa armed robbery sa Balagtas, Bulacan noong August 28, 2024.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, naunang naaresto ang tatlong suspek na napag–alamang mga pulis na may ranggo (rank) sa Bulacan.

Kinilala ang mga ito na sina PSSg (Police Staff Sergeant) Anthony Ancheta y Aquino, 48 years old, married, assigned sa Malolos City Police Station, at residente ng Brgy. Mojon, Malolos;

PMAJ (Police Major) ARMANDO REYES y MARIANO, singkwentay singko anyos, may asawa, naka-assign sa Hagonoy Municipal Police Station, Bulacan PPO, at naninirahan sa Brgy. Sta Cruz, Sta. Maria, Bulacan;

At PSMS (Police Senior Master Sergeant) Ronnie Galion y Concepcion, 43 years old, married, assigned sa Sta. Maria Municipal Police Station, Bulacan PPO, at residente ng Brgy. Mag-asawang Sapa, Sta. Maria, Bulacan.

Base sa report ng pulisya, 10:35 ng umaga noong August 28, nang pasukin ng mga armadong suspek na nagpanggap na mga humihingi ng tulong ang bahay ng 35-year-old, na businessman and pharmaceutical supplier sa Saint Francis Subdivision, Brgy. Borol 2nd, Balagtas, Bulacan.

Ngunit nilooban siya ng mga ito at tinanggayan ng tatlumpong milyong pisong halaga ng pera at mga gadgets.