PHP28 NA BIGAS, MABIBILI SA CABANATUAN

Meron palang mabibiling murang bigas dito sa lungsod ng Cabanatuan. Ito ay sa Aliaga Rice Supply na matatagpuan sa Barangay Bantug, kung saan merong bigas na nagkakahalaga lamang ng bente otso (28) pesos.

Ayon sa tindera ng Aliaga Rice, bagaman ang kulay nito ay medyo madilaw ay pwedeng-pwede pa rin itong isaing at ihain sa mga mesa.

Ang ganitong klase aniya ng bigas ay regular milled rice ay nagkakahalaga lamang ng pitongdaang piso (Php700) ang isang sako o half cavan at bente otso pesos (Php28.00) naman ang kada kilo.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na pababa na rin ang presyo ng bigas sa merkado sa mga susunod na linggo lalo’t nagsimula na ang anihan sa Central Luzon kaya dadagsa na ang suplay ng bigas.

Bukod sa Aliaga Rice Supply sa Brgy. Bantug ay makabibili rin ng murang bigas sa Esiha Rice sa Brgy. Mabini, Cabanatuan City.

Ang Regular Milled Rice sa halagang Php28.00; Php34.00 at Well Milled Rice sa halagang Php36.00; Php38.00; Php40.00; Php42.00; Php44.00; Php46.00; Php48.00; at Php50.00. Habang ang Denurado – 218 ay Php52.00.

https://youtu.be/GXE–JCRxXY