PHP345K NA LAMAN NG PASSBOOK, NAGLAHONG BIGLA; BANGKO, MAY SAGOT

Nagviral sa social media ang ngayon ay deleted nang video ni Gleen Caɦete na ipinost nito sa kanyang Facebook account kung saan naglabas ito ng hinanakit habang umiiyak dahil sa biglang pagkawala ng Php345, 000 na laman ng kanyang passbook.

Hinagpis ni Gleen na matagal nitong inipon ang pera para daw sana sa pangkolehiyo ng kanyang anak.

Inireport aniya nito sa banko ang nangyari at sinabi sa kanyang nakakonek umano sa online bank ang kanilang account.

Naging palaisipan ito kay Gleen dahil aniya passbook lamang yun at walang online banking at ATM card, kaya paanong bigla na lamang nalimas ang kanyang pera.

Humingi din ito ng tulong sa bangko kung saan niya ipinasok ang kanyang pera na baka magawan ng paraan.

Naglabas naman ng sagot ang banko ukol sa nangyari at napag-alaman na lahat ng withdrawal sa account ni Gleen ay “verified”.

Sa sumunod na post ni Gleen sa kanyang FB account ay sinabi nitong nakipag-ugnayan na siya sa bangko at hindi na maidetalye pa ang lahat ng kaganapan.