PHP5.4-B PROPOSED ANNUAL BUDGET NG NUEVA ECIJA, APRUB SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Inaprubahan sa 38th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ang proposed Annual Budget ng Provincial Government ng Nueva Ecija na nagkakahalaga ng Php5,474,693,770 para sa taong 2025.
Sa presentasyon ni Acting Budget Officer Billy Jay Guansing sa naganap na Budget Hearing, ang malaking bahagi ng naturang pondo ay magmumula sa share ng probinsya sa National Tax Allotment na nagkakahalaga ng Php5,009,332,770, habang ang iba naman ay manggagaling sa Local revenues na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa Php300-million at National Transfers na may halagang Php182,000,000.
Ang naturang pondo ay nakatuon sa mga prayoridad na mga programa at proyekto kaugnay ng 10 Malasakit Agenda, na kinabibilangan ng Provincial Food Council Palay Price Support Program, Infrastructure Development, Food Security through Agriculture Productivity and Sustainability, Asset-Building Investments, Education and Manpower Development, Health Care Services, Social Welfare Development and Livelihood Support at Capital Expenditure for equipment and facilities.
Para sa sektor ng social services ay maglalaan ang pamahalaan ng Php2.5 Billion kabilang dito ang pagpopondo sa operasyon ng mga District Hospitals, pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon at tulong sa mamamayan; dadalhin naman ang nasa Php1.07 billion sa Economic Services kung saan nakapaloob ang pagpapalakas sa agrikultura at potensyal ng turismo ng lalawigan; habang ang Php1.56 billion naman ay ilalagay sa General Services Sector at ang Php353 million naman sa Other Services Sector para sa governance related operational commitment.
Maglalaan din ng mahigit Php1-B para sa Development Fund para tustusan ang mga farm-to-market road improvements, asset preservation at community infrastructure projects.
Para sa Disaster Risk Reduction and Management o Calamity Fund ay naglaan naman ng mahigit Php274 million kung saan nakapaloob ang pagpopondo sa mga evacuation facilities sa mga barangay at implementasyon ng mga non-structural at structural flood control measures upang mapigilan ang pagbaha sa mga bulnerableng mga lugar.
Ilalaan naman ang Php850 million sa Malasakit Rice Distribution, Php232 million sa Grants and Donations, Php437 million sa Lingkod Lingap Program, Php35 million para sa Educational Financial Assistance, Php26.61 million para sa operations ng ELJ Memorial College at Php60.5 million para sa Aid to Individuals in Crisis Situation.

