PHP50-MILLION, HANDOG NG DSWD REGION III PARA SA MAHIHIRAP NA NOVO ECIJANO
Pinagtibay sa 6th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ni Governor Aurelio Umali na lumagda bilang kinatawan ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa isang kasunduan sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development Region III para sa pagkakaloob ng Php50-million.
Ang pondong ito ay magagamit para sa epektibo at maayos na implementasyon ng programang Assistance to Individuals and Families In Crisis Situation (AICS), alnsunod sa Executive No. 221, series of 2003 at Executive Order No. 137, series of 2021.
Ayon kay Assistant Provincial Social Welfare and Development Officer Marijune Munsayac, ilalaan ang pondong Php50-million sa mga kwalipikadong Novo Ecijano na humihingi ng tulong.
Dadaan ang mga aplikante sa assessment at rekomendasyon ng mga social workers.
Nilinaw din ni Munsayac na ang Php50-million ay kabuuang halaga ng tulong pinansyal, kabilang na ang naunang Php10-million na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.
Ang AICS ay regular na programa ng Pamahalaang Nasyunal, na patuloy na inihahatid sa mga mamamayan sa pamamagitan ng DSWD, upang magbigay ng agarang tulong at suporta sa mga dumaranas ng krisis.

