BABALA! SENSITIBONG BALITA:
PHP900K NA PEKENG SIGARILYO, NAKUMPISKA SA 3 CHINESE NATIONALS SA CHECKPOINT SA NUEVA ECIJA

Arestado ang tatlong Chinese nationals matapos silang maharang ng pulisya na may dalang ₱900,000 na halaga ng mga fake cigarettes sa isinagawang checkpoint operation sa Barangay Mataas na Kahoy, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija noong madaling araw September 24, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina Tom Y. Uy, 39 years old (driver), Ayao, 44 (driver), at Lee Long, 53 (helper), lahat ay naninirahan sa Purok Sampaguita, Barangay Bincungan, Tagum City, Davao Del Norte.

Base sa report ng Natividad Police Station, pinahinto ang isang Hyundai Starex van (TCO-983) at isang puting utility reefer van (CAI-4401) alas-4:30 ng umaga bilang bahagi ng Oplan Sita na isang anti-smuggling initiative.

Natuklasan umano ng mga pulis sa loob ng mga sasakyan ang 97 kahon ng sigarilyong “More” at tatlong kahon ng “Marvel Red” na lahat ay walang mga permit o dokumentasyon sa buwis, kasama ang limang mobile phones na ginamit sa koordinasyon ng mga ilegal na transaksyon.

Pansamantalang inilagay sa kustodiya ng Natividad Police Station ang mga nakumpiskang sigarilyo at cellphones, maging ang mga Chinese nationals na haharap sa mga kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293) dahil sa distribusyon ng mga pekeng produkto.