Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hangarin ng Pilipinas na higit pang palakasin ang kooperasyon nito sa Japan.
Ayon kay Pangulo, marami pang mangyayari at kailangang ipagpatuloy sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ito ni Pangulong Marcos sa isang pulong sa Malacañang kasama ang Secretary-General ng Liberal Democratic Party (LDP) ng Japan na si Motegi Toshimitsu.
Ikinalugod naman ni Motegi ang pagtanggap ni Pangulong Marcos sa kanyang muling pagbisita sa bansa, at kanya ring binanggit ang kahalagahan ng Pilipinas bilang kapitbahay at strategic partner ng Japan.
Aniya, masaya siyang makita na ang naganap na Japan-US-Philippines Trilateral Summit ay mayroong tuloy-tuloy na progreso.
Nagpaabot din ang opisyal ng kanyang pakikiramay sa mga pamilya at mga naging biktima ng Bagyong Carina.
Samantala, ipinagdiwang ng Pilipinas at Japan noong Hulyo 23, 2023 ang kanilang ika-68 years bilang magkasosyo, at ang 12 taon ng Strategic Partnership mula noong September 2011.

