PILIPINAS, NANGUNA BILANG BULLYING CAPITAL SA BUONG MUNDO DAHIL UMANO SA KAKULANGAN NG GUIDANCE COUNSELORS SA PAARALAN
Nanguna ang Pilipinas bilang “Bullying Capital of the World dahil umano sa kakulangan ng guidance counselors sa mga paaralan ayon sa Programmme for International Student Assesment o PISA.
Inihayag ni Second Congressional Commission on Education Executive Director Karol Mark Yee, walang guidance counselors na tumututok sa mga ganitong problema dahil batay sa probisyon ng anti-bullying act, kailangan may master’s degree ang gabay tagapayo.
required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito.
Sinabi naman ni Department of Education Secretary Sonny Angara na mahigpit nilang babantayan kung ipinapatupad ng maayos ng eskwelahan ang kanilang anti-bullying policy.
Dagdag pa ni Angara, required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito.
Sa katunayan ay nasa 5, 000 posisyon para sa guidance counselors ang bakante ngayon sa DepEd kaya magsisikap ang ahensiya, Commission on Higher Education at ang Civil Service Commission para matugunan ito.
Umaasa naman ang kalihim na mapunan umano ang 5,000 bakanteng posisyon ng kahit mga graduates ng guidance counseling at psychology na maaaring mabigyan ng palugit o limang taon para makakuha ng kinakailangang credentials.
Maliban pa rito, iniulat din ni EdCom 2 Executive Director Yee na lumabas din sa pag-aaral na nasa unang ranking din ang bansa sa pinakamalungkot na mga estudyante sa mundo.

