Inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa MalacaƱang press briefing, na binago ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang Gross Domestic Product (GDP) growth target ngayong 2024 na 6% hanggang 7% range, na mas mababa kumpara sa naunang target na 6.5% hanggang 7.5%.
Ayon kay Balisacan, ang revised GDP target growth ay suportado ng Robust macroeconomic fundamentals, at ang naturang growth target ay magpapanatili sa bansa bilang isa sa mga fast-growing economies sa Asia-Pacific region.
Binago aniya ng DBCC ang growth targ
et matapos ikonsidera ang naging economic performance ng bansa noong 2023, kung saan bumaba ang GDP growth rate sa 5.6%, dahil sa global economic slowdown, pagtaas ng presyo ng langis at inflation trends.
Sinabi rin ni Balisacan na ang growth target sa 2025 ay bumaba rin mula sa 6.5% to 8.0%, ay naging 6.5% to 7.5%.
Mananatili naman sa 6.5% hanggang 8.0% ang growth target para sa taong 2026 hanggang 2028.
Samantala, aabot sa P4.270 trillion o 16.1 percent ng GDP ang mga project revenues ng NEDA ngayong taong 2024, at tinatayang nasa P6.078 trillion o 16.4 percent naman sa 2028 o bago matapos ang administrasyong Marcos.

