PINAKA MASARAP NA TINUMIS NA IPINAGMAMALAKI NG BAYAN NG GENERAL TINIO, IPINATIKIM

Nakiisa ang Provincial Tourism Office (PTO) sa selebrasyon ng National Filipino Food Month 2025 sa bayan ng General Tinio, Nueva Ecija kung saan ibinida ang pinaka masarap na tinumis.

Ayon kay Jan Mara Stefan San Pedro, acting Provincial Tourism Officer, ang selebrasyon ngayong taon ay may temang, Sarap ng Pagkaing Pilipino Yaman ng ating Kasaysayan, Kultura at Pagkatao.

Ginagawa aniya ito upang ipakita ang appreciation, preservation at promotion ng pagkaing Pilipino, kabilang ang mga pagkain natin dito sa Nueva Ecija.

Dagdag ni San Pedro, isa rin itong paraan para i-promote ang ating mga produkto at suportahan ang ating mga magsasaka, entrepreneur at agri-tourism communities.

Dahil habang tayo ay tumitikim, kumakain ay nakikita rin natin ang ganda ng ating probinsya.

Ang John & Leah’s Catering na matatagpuan sa Barangay Sinasajan PeƱaranda, Nueva Ecija ay pag-aari ni Leah Ramos Leodones na kilala sa paggawa o pagluluto ng masarap at kakaibang tinumis sa buong lalawigan.

Sa pambihirang pagkakataon, ngayong buwan ng Kalutong Pilipino ay ibinuking niya ang kanyang sikreto, kung paano lutuin ang ipinagmamalaki nilang tinumis.