PINAKAMALAKING PERA SA BUONG MUNDO, MATATAGPUAN SA PILIPINAS
Saan nga ba makikita ang isa sa pinakamalaking perang papel o kung tawagin ay ‘legal tender note?’ Walang iba kundi sa Pilipinas na may sukat na 8.5″x14.”
Nakatala sa Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking perang papel ang P100,000-peso Centennial Banknote na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 1998.
Paano kaya kung gagamitin mo ito pambili sa tindahan, may panukli kaya sila? at ang tanong pa dito paano mo kaya mapagkakasya sa wallet mo ang ganito kalaking 100,000 bill.
Makikita sa harap ng 100k bank note na ito ang logo ng Philippine Centennial Commission at Bangko Central ng Pilipinas kasama ang litrato ng Unang Sigaw sa Pugad Lawin.
Makikita naman sa likod nito ang imahe ng ating kalayaan. Sa sukat na 14×8.5 inches kasing laki ng legal size ng ating bond paper.
Limitado lamang (1,000 piraso) ang bilang ng salaping ito na pinayagang mailabas ni dating Pangulong Joseph Estrada bilang paggunita sa selebrasyon ng centennial independence ng bansa.
Bukod sa P100,000 peso bill, naglabas din ang BSP ng ilang piraso ng tig-P2,000 peso Centennial banknotes noong Disyembre 1998 na mas maliit ang sukat.
Noong 2017 ay nahigitan na ito ng 600 Ringgit Bank Note ng Malaysia na halos pareho lamang ng laki na 14.5×8.6 .
Sa ngayon ang P100,000 at P2,000 centennial commemorative banknotes na inisyu noong termino ni dating pangulong Estrada noong 1998 ay ide-demonetize.
Pero sa mga money collector ang naturang 100k bank note ay ibinibenta na sa halagang Php800,000.

