PINAKAMAYAMANG PULUBI SA MUNDO, KUMIKITA NG PHP57K BAWAT BUWAN
Si Bharat Jain, 54 taong gulang, ay nakatira sa Mumbai, India kilala bilang pinakamayamang pulubi sa mundo, na may netong halaga na ($1 milyon) o 57 million pesos.
Sa pamamagitan ng panglilimos, batay pa sa record, kumikita si Jain ng 2,000-2,500 Indian Rupee kada araw sa loob ng 10-12 oras ng panghihingi ng limos. Katumbas ito ng mahigit P2500 kada araw.
Naipon ni Jain ang kanyang kayamanan sa panghihingi lamang ng limos sa mga lansangan ng Mumbai.
Nagmamay-ari din si Jain ng two-bedroom flat sa Mumbai na nagkakahalaga ng 8 million pesos at may pag-aari rin nito ang dalawang tindahan kung saan tumatanggap ito ng halos P23,000 buwanang kita.
May asawa at dalawang anak na lalaki si Jain. Kasama rin ni Jain sa kanyang pamilya ang kanyang tatay at kapatid na lalaki. Bukod sa nabiling mga property, napag-aral din ni Jain ang kanyang mga anak sa mga convent school.
Matagal nang hinihiling ng pamilya ni Jain na tigilan na nito ang panghihingi ng limos pero ayaw nitong tumigil dahil mas malaki ang kanyang kinikita kaysa magtrabaho bilang office worker.
Si Jain ay mahigit 40 taon nang nanlilimos, mula noong siya ay bata pa lamang.
Samantala kung sa India ay may pinakamayamang pulubi, ganun din meron ding mayamang pulubi sa China.
Ang Chinese na si Lu Jingang ay isang propesyonal na artista, ngunit sa loob ng 12 taon ay nagpanggap itong isang pulubi para magpalimos at kumita ng mas malaki sa mga magagandang lugar sa Thanh Minh Thuong Ha park.
Karaniwang kumikita si Lu ng 70,000-yuan (higit sa 240 milyong VND) Php 543,128.60 piso sa loob ng isang buwan. hindi pa kasama ang mga bigay na pagkain.
Ayon kay Lu mas pinili niya ang trabahong ito dahil mahilig siyang mag perform bilang pulubi at mag suot ng pulubi nguni’t hindi niya kailangan ng audition o lumabas ng studio
Noong una ay hindi sinuportahan ng pamilya ni Lu ang kanyang pagpapalimos nito, ngunit nang makita nila na mayroon silang malaking kita unti-unti natanggap na nila ito.

