Tuluy-tuloy sa pagbibigay ng libreng training ang PMTC o Provincial Manpower Training Center para sa mga out of school youth at sa lahat ng Novo Ecijano na nais matuto sa iba’t ibang skills para magamit sa paghahanap ng trabaho, local man o abroad.

Ang PMTC ay nasa 30 taon nang nagseserbisyo sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na nagsimula noong 1994.

Sa pamumuno nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali hangarin nila na paunlarin pa ang mga programang ito para para makatulong sa pamilyang Novo Ecijano na umasenso ang kanilang buhay.

May 20 iba’t ibang course na pwedeng pagpilian dito, kabilang na ang NCII Assessment ng TESDA gaya ng Shielded Metal Arc Welding, Beauty Care, Hairdressing, Massage therapy, at sa wala namang NCII ay Computer Servicing, Ref and Aircon, Automotive, Electrical, Engine Component and Tune Up, Auto Under Chassis, Electronic Servicing, Dressmaking and Tailoring Advance Autocad, at marami pang iba.

Ayon kay Nario Ganapin Trainer ng PMTC, isa sa pinaka in-demand ngayon na trabaho ay ang automotive, lalo na sa ibang bansa at maging backyard na talyer ay pwede nang magtayo.

Ang iba naman ay nais aniyang matuto para may sarili silang kaalaman kung papaano ang trouble shooting sa kanilang sariling sasakyan.

Kasama rin sa indemand ngayon dito sa Pilipinas at maging sa mga nais magtrabaho bilang OFW ay ang kursong massage therapy o hilot wellness.

Pagkatapos ng training sa PMTC na 120 hours in 45 days, ay tinutulungan ang mga estudyante sa assessment para makakuha ng NCII Certificate sa TESDA na hinahanap kapag nag-apply trabaho sa abroad.

Ang PMTC ay may 5 branches sa lalawigan na matatagpuan sa Gapan City, Bongabon, San Jose City, Guimba, at dito nga sa Cabanatuan City ang pinaka main.

Ipinagmamalaki ni PMTC Chief Raul Esteban ang facilities at equipment nito dahil kumpleto ito sa kagamitan at lahat ng classroom nito at fully airconditioned, at higit sa lahat ay magagaling ang mga trainer.

Magkakaroon na rin ng bagong kurso para sa heavy equipment operator ang PMTC para sa mga nais matuto mag-operate ng backhoe, bulldozer, Forklift, at malalaking truck na mayroon ang Kapitolyo.

Inaanyayahan ni Ms. Amparo Mariano ang lahat ng mga nais mag training sa darating na Summer Class, magsisimula ang enrollemt sa March 1, hanggang March 31, 2024.