BABALA! SENSITIBONG BALITA
PNP, MAY PERSON OF INTEREST NA SA PAGPATAY SA ISANG KAPITAN NG LAUR
Mayroon na umanong Person of Interest na sinusundan ang mga Laur Police Station kaugnay ng pagpatay kay Kapitan Cesar Asuncion ng Barangay San Isidro Laur, Nueva Ecija.
Matatandaan na si Kapitan Asuncion ay tinambangan at pinagbabaril ng riding in tandem pagkagaling niya sa isang lamay sa Sitio Mainit mag aalas nueve ng gabi noong July 13, 2025.
Nagtamo umano ng apat na tama sa ulo ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon kay Yolanda Asuncion, wala siyang alam na kaaway ng kanyang asawa pero may naikwento ito sa kanya na nagagalit na possible aniyang naiingit lang.
Si Asuncion ang ikalawang barangay chairman na napatay sa lalawigan ng Nueva Ecija matapos ang May 12, 2025 midterm elections.
Una si Kapitan Joel Damacio kapitan ng Barangay Calipahan sa bayan ng Talavera na pinagbabaril

