BABALA! SENSITIBONG BALITA:

POT SESSION, NAPIGIL SA SEMENTERYO SA TALAVERA NUEVA ECIJA

Tumugon ang mga tauhan ng Talavera Police Station sa isang tawag sa hotline number bandang 3:30 ng madaling araw noong Agosto 31, 2025, tungkol sa kahina-hinalang aktibidad sa loob ng Maestrang Kikay Public Cemetery, Talavera, Nueva Ecija.

Pagresponde ng mga pulis, nahuli ang limang (5) lalaki — na may edad na 19 hanggang 57, kabilang ang isang 49-anyos na walang trabaho, isang 57-anyos na tsuper, at dalawang (2) kabataan na hindi tataas sa dalawampong taon ang edad— sa akto ng paggamit ng ipinagbabawal na droga sa loob ng isang mausoleo.

Kaya silang lima ay kaagad na inaresto at narekober ang ilang drug paraphernalia: isang improvised aluminum tooter, aluminum strip, dalawang (2) disposable lighters, isang metal smoking pipe, at pinagsamang aluminum foil.

Sa isinagawang body search, nakumpiska ng mga awtoridad ang: Isang (1) heat-sealed plastic sachet ng shabu mula sa 49-anyos na suspek, at Isang (1) sachet ng tuyong dahon ng marijuana mula sa isang 23-anyos.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Seksyon 11, 12 at 15, Artikulo II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Hinihikayat naman ng Nueva Ecija Police ang publiko na tumulong para panatilihing ligtas at malaya sa droga ang lalawigan.