POWER NAP COMPETITION, ISINAGAWA PARA SA MGA KULANG SA TULOG NA MGA SOUTH KOREAN
Daan-daang mga South Korean ang nagtipon sa Seoul, upang sumali sa isang “power nap competition.”
Isinagawa ang “Power Nap Competition” sa South Korea kung saan nagpaligsahan sa mahimbing na tulog sa loob ng mahigit isa at kalahating oras ang mga kalahok na ginanap sa Han River Park para maipakita ang kahalagahan ng pahinga,
Suot ang mga damit na pantulog, kani-kanilang hilata ang mga kalahok sa mga airbag couches. Ipinikit ng mga kalahok ang kanilang mga mata at kumportableng natulog sa loob ng isang oras at 30 minuto.
Ang Mechanics pa sa kontes dapat silang matulog sa loob ng isa at kalahating oras, pero sa kanilang pagtulog ay may ilang distractions tulad ng kiliti ng balahibo, pagbulong, at ingay ng lamok para i-level up ang mga hamon para sa mga kalahok.
Sinusukat din ng mga organizer ang kanilang heart rate para malaman kung sino ang mananalo. Ang kalahok na may pinakamalaking pagkakaiba ang heart rate bago at habang natutulog, sila ang mananalo.
Ang heart rate raw kasi ang basehan kung masarap o mahimbing ang naging tulog ng isang tao.
Ayon sa organizer, nais nilang dalhin ang atensyon ng mundo sa kahalagahan ng pagtulog, na naging hamon para sa karamihan ng mga kalahok.
Nais din nilang magbigay ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pagkuha ng napapanahong mga pahinga.
Ang kakulangan sa tulog ay isa sa mga pangunahing problema sa South Korea. Ayon sa mga ulat ng National Assembly ng South Korea, ang mga mamamayan nito ay isa sa mga taong kulang sa tulog sa mundo.
Natutulog ang mga South Korean sa average na pitong oras at 41 minuto, kumpara sa average ng mundo na walong oras at 22 minuto.
Ang mga nanalo ay nakatanggap ng gift certificate at gadgets.

