PRESYO NG BIGAS SA CABANATUAN, NANANATILING MATAAS

Nananatili pa rin ang mataas na presyo ng bigas sa palengke ng Cabanatuan City sa kabila ng pagdedeklara nitong Lunes, February 3, 2025 ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ng food security emergency upang bumaba umano ang presyo ng bigas sa mga pamilihan kapag inilabas at ibinenta na ang rice buffer stock ng National Food Authority.

Sa bigasan na aming pinuntahan, ang presyo ng denorado ay nasa 60 pesos per kilo; maalsa/laon na 56 ang per kilo; hobi denorado 52 per/kilo at champoy na nasa 55 pesos ang per/kilo.

Pero sa Ecija Rice, bigasan na matatagpuan sa Barangay Bantug, Cabanatuan City ay bumaba na ang presyo. Ang whole grain na dating 56 pesos kada kilo, ngayon ay nasa 50 pesos na lang; ang denorado na dating 64 pesos, ngayon ay bumaba na sa 52 pesos per kilo. Mayroon na rin silang regular milled rice na naglalaro sa presyong 40 at 38 pesos ang per /kilo at 30 pesos naman yung isa pang klase ng kanilang bigas na ibinebenta.

Ayon kay Eloisa Reyes, tagapamahala ng RR Aguilar, Rice and Coconut Store, sa Cabanatuan City Public Market, naging matumal ang kanilang benta dahil sa biglaang pagbaba ng presyo ng bigas sa ibang tindahan.

Willing naman daw silang sumunod sa gobyerno sakaling magpatupad ng maximum suggested retail price.

Ngunit, dapat din aniyang mag adjust rin ng presyo ang mga kinukujanan nilang supplier ng bigas.

Mataas daw kasi ang kanilang pujunan kumg kaya hindi nila alam kung paano sila magbababa ng presyo.