PRESYO NG GASOLINA, DIESEL, UMANGAT; KEROSENE, BUMABA

Tumaas ng P0.40 centavos ang presyo kada litro ng gasolina, P0.30 centavos naman ang itinaas sa Diesel, habang bumaba naman ng P0.10 centavos ang Kerosene na epektibo simula Martes, June 3, 2025.

Ipinatutupad ngayon sa Cabanatuan City sa Petrofil gasoline station ang P45.60 sa kada litro ng Diesel, P51.20 sa Premium, P50.90 sa Regular at P88.88 sa Kerosene.

Habang, sa Caltex gasoline station ang presyo ng Diesel ay P52.45 ang kada litro, P54.90 sa Silver, at P57.89 sa Platinum.

Samantala, sa SYQUIO gasoline station, ang presyo kada litro ng Diesel ay P45.25, P50.70 sa XTRA ULG, at P51.50 naman ang kada litro ng Premium95.