PRESYO NG GASOLINA, UMANGAT; DIESEL AT KEROSENE BUMABA SA CABANATUAN

Bahagyang umangat ng 0.10 sentabo ang presyo ng gasolina. Habang, nagbawas naman ng 0.20 sentabo sa diesel at 0.40 sentabo sa kerosene, sa Cabanatuan City epektibo simula Martes, May 27, 2025.

Sa Caltex gasoline station, ang presyo ng Diesel ay pumapatak sa Php 52.44, Php 54.89 sa Silver at Php 57.89 sa Platinum.

Sa Petron gasoline station, ang presyo ng Diesel Max ay Php 49.45, sa Turbo Diesel ay Php 51.45, sa Xtra Advance ay Php 51.90, at Php 52.90 sa XCS.

Habang, sa Fuel Star gasoline station, ang presyo ng Diesel Star Max ay Php 45.80, Php 52.60 sa Premium Supreme, at Php 51.90 naman sa Premium Trekker.