Bahagyang bumaba ang presyo ng iba’t-ibang klase ng gulay sa Sangitan Public Market, Barangay San Isidro, Cabanatuan City.

Sa kasalukuyan, ang presyo kada kilo ng pang pakbet na gulay ay, sa kamatis nasa Php10.00 lamang. Php40.00 ang kamote; Php60.00 ang okra; Php60.00 rin ang ampalaya; Php100.00 sa sigarilyas; Php40.00 sa talong; at Php40.00 rin sa siling berde.

Habang, sa presyo naman ng mga gulay Baguio kagaya nang sayote ay nasa Php25.00 lamang ang kada kilo; Php60.00 sa patatas; Php50.00 sa repolyo; Php50.00 rin sa carrot; Ang caulieflower at brocolli ay pumapatak lamang sa presyuhan na Php60.00 ang kada kilo; Php100.00 naman sa celery; Php120.00 sa leaks; Php180.00 ang kada kilo sa sitsaro; at Php100.00 naman sa redbell o siling pukinggan.