PRESYO NG ISDA AT KARNE SA CABANATUAN, KUMUSTA PAGKATAPOS NG SEMANA SANTA?

Para sa Presyong Palengke, narito po tayo ngayong umaga sa Palengke ng Cabanatuan dito sa Kapitan Pepe. ating alamin kung may pagbabago sa presyo ng isda, karne, at iba pang bilihin kumpara sa mga presyo noong nagdaang Semana Santa.

Matapos ang pagdiriwang ng Semana Santa, nanatili ang presyo ng mga isda sa mga pamilihan sa palengke ng Cabanatuan.

Para naman sa karne, wala ring nakitang pagbabago sa presyo nang matapos ang Mahal na Araw. Nananatili sa 380 kada kilo ang karne ng baboy, habang ang liempo ay umaabot sa 400 kada kilo. Samantala, ang manok ay patuloy na naglalaro sa 190 hanggang 200 kada kilo.

Pagdating naman sa gulay, hindi rin ito nakitaan ng paggalaw ng presyo matapos ang Semana Santa. Narito ang kasalukuyang presyo ng ilang pangunahing gulay na kadalasang nagagamit bilang panahog sa mga ulam gaya ng pakbet:

Ang talong ay nasa Php120 kada kilo, habang ang bilog na talong naman ay mas mataas ang presyo at umabot sa halagang Php140 kada kilo. Ang okra sa Php100 kada kilo, samantalang ang sigarilyas ay umaabot sa Php250 kada kilo. Ang kamote ay nasa Php80 kada kilo, at ang ampalaya ay kapresyo ng regular na talong sa Php120 kada kilo. Habang ang kamatis ay mabibili naman sa halagang Php60 kada kilo. Ang upo ay nagkakahalaga ng Php30 bawat piraso o Php50 kada bigkis.

Ngayon nga po ay nakita na nating wala gaanong nagbago sa presyo ng pamilihin gaya ng mga isda, gulay, at karne dito sa Cabanatuan Public Market sa Kapitan Pepe simula nang magdaan ang Mahal na Araw.