PRESYO NG KARNE, POSIBLENG TUMAAS PA SA SUSUNOD NA LINGGO
Para sa ating mga mamimili, patuloy ngang nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Cabanatuan Public Market simula pa noong nakaraang linggo.
Sa ngayon, ang presyo ng baboy, tulad ng liempo at porkchop, ay umabot na sa 400 pesos kada kilo.
Ngunit inaasahan pa ang patuloy na pag taas ng karne. Ayon kay Rosalina, Inabisuhan umano sila ng kanilang supplier sa possibleng pagtaas ng presyo.
Ayon sa ilang magbababoy, naaapektuhan ang kanilang supply ng karne dahil sa matinding init. Marami umano sa mga baboy ang namamayat at nai-stress, kaya’t bumababa ang timbang at kalidad ng mga ito. Dagdag pa rito, tumataas din ang demand sa karne ngayong panahon ng graduation at outing, na isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo
Para naman sa ibang bilihin, ang kada kilo ng manok ay tumaas mula 180 pesos patungong 200 pesos kada kilo
Pagdating naman sa isda, Patuloy na naglalaro sa 150 pesos hanggang 160 pesos kada kilo ang tilapia, habang ang bangus ay 240 pesos hanggang 260 pesos kada kilo.
Samantala, bumaba naman mula 100 pesos kada kilo ang repolyo, 40 pesos kada kilo naman para sa sitaw. Ang patatas ay nanatili sa 100 pesos kada kilo.
Ang carrots naman, na ginagamit sa iba’t ibang putahe, ay mabibili ngayon sa 80 pesos kada kilo. Hindi rin ligtas sa pagtaas ng presyo ang bawang, na kasalukuyang nasa 150 pesos kada kilo, habang ang sibuyas ay nananatiling mataas din, na may presyo ng 100 pesos kada kilo.

