PRESYO NG MGA DELATA SA CABANATUAN CITY, MAS MATAAS KESA SA SRP NG DTI
Nilinaw ng Department of Trade and Industry Office o ng DTI-Nueva Ecija na walang magaganap na pagtaas sa presyo ng sardinas. Bagaman malaki ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kaya naka depende pa rin ang suggested retail prices (SRPs) ng Basic Necessities and Prime Commodities noong February 01, 2025 dahil wala pang inilalabas na panibagong price update ang DTI.
Sa listahan ng DTI, ang mga sumusunod na basic necessities ay walang paggalaw ang presyo. Kabilang dito ang Canned Sardines in Tomato Sauce; Condensed Milk; Condensada; at Evaporated Milk. Maging ang mga Prime Commodities kagaya ng Luncheon Meat; Meat Loaf; Corned Beef; at Beef Loaf.
Ang masarap at murang ulam na sardinas o Family’s Budget Pack Plain na 130g ay nagkakahalaga lamang ng P15.25 ; P17.25 naman ang Saba Phil. Sardines-NCR; P17.50 ang 155g na Saba Phil. Sardines-Luzon/Visayas/Mindanao; P20.50 naman ang 155g ng Atami Regular Lid; P20.50 rin ang 155g ng Mikado Regular Lid; P18.00 naman ang 155g mg King Cup Regular Lid; P19.75 ang 155g ng Mariko Regular Lid; P18.50 maman ang 155g ng Sallenas Regular Lid; P21.25 ang 155g ng Atami EIC; maging ang Mikado EOC ay pumapatak lamang sa kaparehong presyo ng Atami; at ang masuwerteng sardines na Lucky7 ay pumipresyo lamang sa P19.65.
Pero sa pag-iikot namin dito sa Cabanatuan City ay natuklasan na mas mataas ang presyo sa ilang grocery stores at tindahan kumpara sa dapat na ipinatutupad na presyo batay sa SRP ng DTI.
Kagaya na lang halimbawa ng sardinas na Atami, sa SRP ay pumapatak lamang ang presyo nito sa P20.50 hanggang P21.25; King Cup na P18.00 lang sa SRP ay P24.50 naman sa grocery; Habang, ang beef loaf na star sa SRP ay nasa P18.25 lamang, samantala sa grocery store ang presyo nito ay nasa P21.00 na.
Ayon sa DTI ang naturang SRPs ay ipinapatupad nationwide maliban kung ito ay specified. Maging sa Supermarkets at Wet Markets ay ipinatutupad rin maliban kung ito rin umano ay specified.

