PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, BAHAGYANG NATAPYASAN SA CABANATUAN CITY
Muling nagkaroon nang pagtapyas ng katiting na sentimo sa presyo ng produktong petrolyo nitong Martes, March 18, 2025.
Sa datos, nag rollback ng 0.20 centavos kada litro ang presyo ng diesel at 0.40 centavos sa kerosene. Habang, nananatili naman sa dating presyo ang gasolina.
Dito sa Cabanatuan City sa Flying V gas station, ang presyo ng Volt ay Php52.20 ang kada litro at Php53.00 naman sa Thunder.
Nagbaba rin ang presyo sa Caltex gas station, Php56.29 ang kada litro ng Diesel, Php58.19 ang Silver, at Php61.19 naman ang platinum.
Gayundin sa ARN Oil Gasoline Station, Php51.60 ang kada litro ng Diesel, Php55.00 naman ang kada litro ng SUPREME Premium 95 at Php54.00 naman sa ECOTECH Premium91.

