PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, NAG-ROLLBACK
Magandang Balita sa mga motorista dahil nag-rollback ang presyo ng produktong petrolyo nitong Martes, May 6, 2025.
Bumaba ng P0.55 kada litro ang presyo ng gasolina, P0.65 kada litro naman sa Diesel at P0.90 sa Kerosene.
Dito sa Cabanatuan City, sa Jetti Petroleum ay umabot sa P47 ang presyo ng Diesel Master, P47.65 sa Accelrate at P48.65 naman sa JX Premium.
Habang sa isang gas station sa Bantug, pumalo naman ang presyo sa P48.50 ang Diesel, P48.95 sa Super at P49.95 sa Premium 95.
Samantala sa Refuel Gas Station ay umabot sa P46.90 ang Euro5 Diesel, P48.20 naman sa Euro5 Gas 91 at P49.20 sa Euro5 Gas 95.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, ang posibleng dahilan sa pagbaba ng presyo sa nakaraang araw ay ang oversupply ng langis. Ito raw ay kaugnay sa pagtaas sa crude inventory ng Amerika. Dinagdag din nila ang hindi inaasahang paglabas ng taripa ng Amerika.
Noong nakaraang linggo, umakyat pa ang presyo sa P1.35 kada litro ng gasolina, P0.80 naman sa diesel, samantala P0.70 sa kerosene.

