PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, SUMIPA SA MAHIGIT PISO KADA LITRO NITONG MARTES
Panibagong taas presyo ang ipinatupad noong Martes, April 22, 2025 sa mga produktong petrolyo.
Nadagdagan ng P1.35 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.30 kada litro ng diesel at P1.10 naman sa kerosene.
Sa Cabanatuan City, Shell gas station pumalo sa P56.60 ang kada litro ng Fuel Save Diesel, P63.05 ang V-Power Diesel, P58.90 ang kada litro ng Fuel Save Gasoline, P63.50 ang sa V-Power Gasoline, samantalang P68.15 ang kada litro ng V-Power Racing.
Habang, sa Syquoi gas station ay nasa P45.85 ang presyo ng Diesel Premium Grade, P51.70 ang sa XTRA ULG Advance Gasoline at P52.50 kada litro ang Premium High-Performance Gasoline.
Samantala, sa Caltex gas station naman, nasa P54.60 ang kada litro ng Diesel, P56.60 ang sa Silver at P61.54 naman ang sa Platinum.
Ayon sa Jetti Petroleum ang naturang taas presyo ay bunsod ng tumitinding trade tensions at global economic uncertenties, kung saan nagkakaroon ng alitan sa kalakalan at nawawalan ng kasiguraduhan sa padaigdigang ekonomiya kaya’t tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Samatala noong nakaraang linggo, nagpatupad naman ng rollback ang mga kumpanya ng langis. Natapyasan ng P3.60 ang kada litro ng gasolina, P2.90 ang diesel at P3.30 naman ang sa kerosene.

