PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, TUMAAS
Muling nagtaas ng presyo ang produktong petrolyo matapos ang katiting na price rollback noong nakaraang linggo.
Ipinatupad ganap na alas-6:00 ng umaga, araw ng Martes, February 18, 2025 ang 0.80 centavos na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel, habang 0.10 centavos naman sa kerosene.
Sa Caltex Gas Station, Cabanatuan City, ang presyo ng Diesel ay 59.40; P62.54 ang Silver at P64.55 naman ang Platinum.
Habang, sa Syquio Gas Station ay pumapatak ang presyo ng Diesel sa P50.40; P55.90 ang XTRA ULG; P56.70 ang Premium at P74.00 naman ang Kerosene o Gaas.
Samantala, sa Shell Gas Station ay lumundag naman ang presyo ng Fuel Save Diesel sa P60.50; P69.80 ang V-Power Diesel; P63.38 ang Fuel Save Gasoline at P71.64
Panawagan naman ng ilang tricycle driver, dito sa lungsod ng Cabanatuan, na sana raw ay huwag ng magtaas ng presyo ng gasolina. Dahil sa klase raw ng kanilang hanapbuhay at sa dami ng nga namamasada ay wala na raw sila halos kinikita.
Una nang inanunsyo ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang nakaambang taas presyo na bunsod umano ng mga kaganapan sa Middle East, at sa pagitan ng Amerika, Iran at Russia.

