PRESYO NG SIBUYAS, BUMABA NG P80.00 SA SANGITAN MARKET, CABANATUAN CITY

Bumaba na ang presyo ng sibuyas sa Sangitan Public Market sa Brgy. San Isidro, Cabanatuan City.

Kung nung mga nakararaang araw ay naglalaro ito sa Php120 hanggang Php150 kada kilo na nabibili ng mga tindero at tindera mula sa bukid, ngayon ay bumagsak ito sa Php70 hanggang P115 na lng.

Php1,100 ang halaga ng 9.5 kilos o yung naka buriki o red bag ng kulay pulang sibuyas. Habang Php630 naman ang kulay puting sibuyas na may timbang na 9 kilos.

Ang presyuhan naman doon ng mga nagtitinda na madadaanan sa gilid ng kalsada ay lumalaro sa Php100 hanggang Php150 kada kilo ang pulang sibuyas. Samantala, Php70 hanggang Php100 pesos ang kada kilo ng kulay puting sibuyas.

Kaugnay ng pag-angkat ng sibuyas ay nagpahayag ang magsisibuyas mula sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija na tinaguriang “Onion Basket ng Asia” ng kanilang pagtutol sa pamamagitan ng mga larawang kuha ni Herwin Barcelona na pinost sa Facebook.

Nagbigay naman ng suporta sa mga nagtatanim ng sibuyas sina Sheryl Munoz at Rodolfo Barlam, mga nagtitinda ng sibuyas sa Sangitan.

Kahit pabor sa mga mamimili ang pagbaba ng presyo ng sibuyas dahil sa importasyon ay mas mainam anilang tangkilikin ang ang lokal nating sibuyas para matulungan ang kabuhayan ng mga kababayan nating magsasaka.