PRODUKTONG PETROLYO, MAY KATITING NA TAPYAS PRESYO

May katiting na tapyas-presyo sa produktong petrolyo na sinimulan noong Martes, April 8, 2025.

Dito sa Cabanatuan City, bumaba sa kakarampot na P0.10 sentimo ang kada litro sa gasolina at P0.50 sentimo naman sa kerosene. Habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ngunit sa Petron Gasoline Station, ang kada litro ng Diesel ay nananatili sa dating presyo na P52.20; Turbo Diesel P55.20; XTRA Advance P55.80 at XCS P56.80

Sa Shell Gasoline Station, ang presyo ng Fuel Save Diesel ay P57.80; V-Power Diesel P65.80; Fuel Save Gasoline P60.60; V-Power Gasoline P64.30; at V-Power Racing P70.25.

At sa Caltex Gasoline Station, ang presyo ng Diesel ay P57.99; Silver P62.19; at ang Platinum ay P65.19 ang kada litro.

Ang roll back ay bunsod umano ng pagpataw ng mas mataas na taripa ng Estados Unidos sa iba-ibang bansa na nagdulot nang pagbagsak ng oil market.