PRODUKTONG PETROLYO MULING NAGKAROON NG TAPYAS PRESYO, SA CABANATUAN CITY

Muling nagkaroon ng tapyas presyo o price rollback ang produktong petrolyo nitong Martes, March 11, 2025.

Sa datos, nag rollback ang presyo ng gasolina mula Php1.60 hanggang Php1.90 kada litro. Bumaba rin nang 0.80 centavos hanggang Php1.10 ang diesel. Habang, may tapyas rin sa presyo ng kerosene mula Php1.50 hanggang Php1.70 kada litro.

Sa Caltex, Php 57.49 ang kada litro ng Diesel; Php59.89 naman ang Silver; at Php62.89 ang Platinum.

Sa Shell, Php58.50 ang presyo kada litro ng Fuel Save Diesel; Php67.75 ang V-Power Diesel; Php60.50 naman ang Fuel Save Gasoline; Php68.34 ang V-Power Gasoline; at Php71.60 naman sa presyo ng V-Power Racing.

Samantala, sa Petron ay Php53.60 ang kada litro ng Diesel. Habang, Php55.60 sa Turbo Diesel; Php55.79 ang XTRA Advance; at Php56.20 sa XCS.

Sa tala, ito na ang ikalawang linggo sa buwan ng Marso na nagkaroon ng pagtapyas sa presyo nang mga produktong petrolyo.