PRODUKTONG PETROLYO, MULING SUMIPA ANG PRESYO SA CABANATUAN

Muling nagtaas ang presyp ng mga produktong petrolyo kahapon unang araw ng buwan ng Abril sa Cabanatuan City.

Ipinatutupad ngayon sa Caltex, Petron, at Shell Gasoline Station ang P1.40 sa kada litro ng gasolina, habang sa diesel at kerosene ay P1.20.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo, ang mga retailer ay nagtaas ng presyo bawat litro ng gasolina ng P1.10, at diesel at kerosene ng P0.40 kada litro. Kaya dalawang magkasunod na linggo nang tumaas nga ito.

Sa Caltex Gasoline Station, pumapalo sa Php57.99 ang kada litro ng Diesel; Php62.19 sa Silver; at Php65.19 sa Platinum.

Habang, sa Petron Gasoline Station, ang presyo kada litro ng Diesel ay Php52.20; Php55.20 naman sa Turbo Diesel; Php55.90 sa XTRA Advance; at Php56.90 naman sa XCS.

Samantala, sa Shell Gasoline Station, ang presyo kada litro ng Fuel Save Diesel ay nasa Php57.60; Php65.80 sa V-Power Diesel; Php60.00 sa Fuel Save Gasoline; Php63.70 sa V-Power Gasoline; at Php70.35 naman sa V-Power Racing.