PRODUKTONG PETROLYO MULING SUMIPA; SA 60 HANGGANG 80 CENTAVOS, ITINAAS KADA LITRO NG GASOLINA

Ipinatupad simula noong araw ng Martes, February 25, 2025 ang ikalawang sunod na linggo ng muling pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.

Bad news dahil nasa 60 centavos hanggang 80 centavos ang tinatayang itinaas ng presyo sa gasolina kada litro.

30 hanggang 50 centavos naman ang naidagdag sa presyo ng diesel. Habang 10 centavos hanggang 30 centavos naman ang sa kerosene, kada litro.

Dito sa Cabanatuan City, sa Shell gas station, ang presyo ng Fuel Save Diesel, bawat litro ay Php60.50, Php69.95 naman ang V-Power Diesel, Php63.30 sa Fuel Save Gasoline, Php71.44 sa V-Power Gasoline, at Php74.40 sa V-Power Racing.

Habang sa Petron Gas Station, ang presyo kada litro ng Diesel ay Php56.30, Php57.30 naman ang Turbo Diesel, Php57.79 ang XTRA Advance, at Php58.80 sa XCS.

Samantala, sa Flying V gas station ay umangat naman sa Php55.90 ang kada litro ng Volt at Php56.70 naman sa Thunder.

Napapailing naman ang mga motorista at tricycle drivers dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo.