unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Protina, disiplina, mabisang sangkap sa pagpapalaki ng katawan

Posted by philpiccio | Jul 31, 2022 | 0

Protina, disiplina, mabisang sangkap sa pagpapalaki ng katawan

Payat ka man o may kabigatan ang timbang ay hindi dapat mawalan ng pag-asa upang maabot ang pinapangarap na pangangatawan dahil nariyan ang J23 Gym para kayo ay tulungan.

Ayon kay Zaldy Hidalgo, instructor sa naturang gym, para ma-achieve ang body built na ninanais ay mahalagang magkaroon ng disiplina sa sarili, kailangan ng sapat na tulog at pagkain ng mga maprotina tulad ng manok.

Bukod dito, para magka-muscle ay kinakailangan aniyang pabigat ng pabigat ang binubuhat sa gym.

Para sa mga matataas ang timbang na nais magpapapayat ay hindi rin naman aniya imposible ang pagkakaroon ng muscle dahil kinakailangan lamang ang diet o pagbabawas ng pagkain ng mamantika o matatabang pagkain.

Kung susundin aniya ito ng mga lalaking nais magkaroon ng muscle ay makikita din ang unti-unting pagbabago sa kanilang pangangatawan basta magtiyaga lamang.

Sina Cris Mendoza at Daryll Apolinario, na mga dating payat, ngayon ay na-achieved na ang pinapangarap na muscle at pangangatawan.

Ayon kay Cris, makatutulong ng malaki para makuha ang ganitong katawan kung tama ang nutrisyong nakukuha mo mula sa mga pagkain na kinakain mo, kung dati kasi ay malakas itong mag-intake ng kanin at matatabang pagkain ngayon ay itlog, manok at isda na ang kanyang kinahiligan.

Tumaas naman ang self-confidence ni Daryll nang makita nitong nagkaroon ng pagbabago sa kanyang patpating katawan noon, na bagaman hindi rin health conscious noon ay nagawa nitong magkaroon ng disiplina sa sarili.

Para sa mga nais ding ma-achieve ang ganitong katawan bisitahin ang J23 Gym na dating 9210 Gym, na nasa Quimzon Street, Cabanatuan City, bukas mula Lunes hanggang Sabado mula 6:00am-9:00pm at tuwing Linggo mula 7:00am-3:00pm.

Share:

Previous7ID, nagsagawa ng Environmental Trek sa Mt Pulag para sa kanilang anibersaryo
NextPagtatama ng maling impormasyon sa birth certificate, may bayad ba o wala?

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Maligayang Pasko Novo Ecijano

Maligayang Pasko Novo Ecijano

December 21, 2018

SSS, may bagong contribution form

SSS, may bagong contribution form

August 3, 2014

MGA EMPLEYADO NG MUNISIPYO NG PANTABANGAN, NALILITO SA DALAWANG MAYOR

MGA EMPLEYADO NG MUNISIPYO NG PANTABANGAN, NALILITO SA DALAWANG MAYOR

April 14, 2015

Commendations at incentives, matatanggap  ng mga mananalong  pulis sa NEPPO Sportsfest 2019

Commendations at incentives, matatanggap ng mga mananalong pulis sa NEPPO Sportsfest 2019

June 30, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .