PUHUNAN SA TINDAHAN NG DATING NANGUNGUTANG SA LENDING, SINAGOT NG KAPITOLYO

Isa sa mga nabiyayaan ng programang pangkabuhayan na bigasan at grocery o sari-sari store ng Pamahalaang Panlalawigan ang pamilya ni Tatay Willie Azucena ng Barangay Bagting sa Bayan ng Gabaldon.

Napakalaking biyaya umano ito para sa kanyang pamilya dahil hindi na nila kailangang mangutang ulit ng puhunan sa Lending at dahil sa walang kaalaman sa pag ma-manage ng negosyo ay palagi lang din silang nalulugi at walang bumabalik na puhunan.

Bago aniya naibigay sa kanila ang sampong sako ng bigas ay naturuan muna sila kung papaano papalaguin at i-manage ang kanilang puhunan,

Kwento ni tatay Willie, naibenta kagad niya ang bigas at ang iba naman niyang tinda ay kanyang ipinautang para mapaikot ang kanyang puhunan para makabili ulit ng bigas at dagdag grocery para sa kanilang tindahan.

Dahil sa munting negosyong ito ay natutugunan na nila ang kanilang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, kasama na ang para sa pag-aaral ng kanyang mga anak, na kanilang ipinagpapasalamat kina Governor Aurelio at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali.