Pulis personal na iginawad ni PRO3 Regional Director PBGEN Ponce Rogelio I Peñones Jr. ang Medalya ng Sugatang Magiting kay PSSg Jake Jacinto ng Bongabon Municipal Police Station.
Matapos siyang tamaan ng bala sa hita sa engkwentro laban sa mga suspek sa robbery noong February 17, 2026 sa Bongabon, Nueva Ecija.
Matatandaang nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis kaugnay ng robbery incident sa bayan ng Gabaldon.
Nang tangkain umano nilang pahintuin ang dalawang armadong suspek na sakay ng motorsiklo, sa halip na sumuko, pinaputukan ng isa sa mga suspek ang humahabol na police mobile patrol.
Dahilan kaya tinamaan sa kaliwang hita ang pulis na nagmamaneho.
Agad na gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakasawi ng isa sa mga suspek.
Habang ang kasama nito ay naaresto matapos ang habulan. Narekober sa lugar ang mga baril at motorsiklong ginamit sa pagtakas.
Bukod sa parangal, nag-abot din ng tulong pinansyal ang pamunuan ng PRO3, kasama ang karagdagang assistance mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. (PSMBFI) upang makatulong sa pagpapagamot at paggaling ng pulis.

