BABALA! SENSITIBONG BALITA:
PULIS, SUGATAN MATAPOS SAGASAAN NG TRICYCLE DRIVER
Sugatan ang isang pulis matapos na sadya umanong sagasaan ng isang tricycle driver na nagtangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Brgy. Nagbunga, San Marcelino, Zambales, noong Pebrero 9, 2025.
Kinilala ang biktima na si si PCpl. (Police Corporal) John Nelson Flores, 36 years old, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at residente ng Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales, na nagtamo ng mga sugat sa kanang paa pagkaraang mabundol ng motorsiklo ng suspek na si alyas “Bert,” bente singko anyos, residente ng Brgy. Ang Cawag, Subic, Zambales, at driver ng itim na Honda TMX 155 (UF 4677).
Base sa report ng Police Regional Office 3, pinara ng mga awtoridad ang suspe para sa inspeksyon.
Sa halip na sumunod, binilisan nito ang pagmamaneho ng motor at bungguin si PCpl. Flores bago nagtangkang tumakas.
Mariin namang tinuligsa ni PBGEN Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang pag-atakeng ito sa alagad ng batas.

