PWD TRICYCLE DRIVER, NABIGYAN NG KARAGDAGANG HANAPBUHAY AT PANIBAGONG PAG-ASA

Nabigyan ng karagdagang hanapbuhay at panibagong pag-asa ng Provincial Government of Nueva Ecija ang isang tricycle driver na miyembro ng Person with Disablity na nakatira sa Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Isa si Joel Lising sa 100 PWDs na napabilang sa Kabutihan Mushroom Fruitbags Para sa mga Novo Ecijano sa ilalim ng Special Livelihood Program ng kapitolyo na isinagawa sa Kapitan Pepe Gymnasium kamakailan.

SImula nang maoperahan sa kaliwang binti si Joel sanhi ng aksidente sa motor noong 2006 ay hirap na rin ito sa paglalakad.

Kaya kwento ni Lising, malaking tulong ang ipinagkaloob na 100 fruitbags ng kabute ng Pamahalaang Panlalawigan dahil bukod sa kita sa pamamasada ng tricycle ay mayroon din itong nakukuhang pera mula sa mga ibinentang mushroom.

Nakakakuha rin siya ng pwedeng pang-ulam ng kanyang pamilya at nakakapag-share din ito ng biyaya sa kanyang mga kapitbahay .

Laking pasasalamat ng 48-anyos na tricycle driver kina Gov. Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Anthony Umali dahil ramdam ang kanilang malasakit sa katulad niyang may kapansanan at hindi ang diskriminasyon sa lipunan.