PWDs SA GUIMBA, NABIGYAN NG BAGONG PAG-ASA SA MUSHROOM LIVELIHOOD PROJECT NG KAPITOLYO
Nabigyan ng panibagong pag-asa ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Guimba, Nueva Ecija sa pamamagitan ng Mushroom Livelihood Project ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong magbigay ng simpleng kabuhayan sa kanilang mga tahanan.
Isinagawa ang programa sa Guimba Municipal Gymnasium, katuwang ang Provincial Integrated Disability Affairs Office (PIDAO).
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 100 pirasong mushroom fruiting bags, starter kit, at water sprayer bilang panimulang puhunan.
Nagkaroon din ng pagsasanay hinggil sa tamang pangangalaga, pag-aani, at pag-imbak ng mushroom upang masiguro ang magandang ani at dagdag kita.
Ang proyekto ay patunay ng pagtutulungan ng lokal at panlalawigang pamahalaan sa pagtataguyod ng inklusibong kabuhayan at oportunidad para sa lahat ng Novo Ecijano

