Trial Opening ng Rafah Crossing
Matapos ang halos dalawang taon na pagsasara, muling binuksan ang Rafah Crossing sa pagitan ng Gaza at Egypt para sa trial phase.
Matatandaan na isinarado ito noong May 2024.
Bagama’t unti-unti ang pagbubukas, sinabi ng Israel’s Coordinator for Government Activities in the Territories na patuloy pa rin ang mahigpit na kontrol.
Limitadong Galaw at Mahigpit na Patakaran sa Rafah Crossing
Ayon sa COGAT, ang Rafah Crossing ay bukas lamang para sa “limited passage of residents.”
Gayunpaman, wala pang tiyak na petsa kung kailan tuluyang makakatawid ang karamihan.
Samantala, 150 Palestino kada araw lang ang papayagang lumabas ng Gaza, at 50 lamang ang papayagang pumasok.
Bahagi ng Ceasefire Agreement
Ang muling pagbubukas ng border crossing ay bahagi ng unang phase ng plano ni US President Donald Trump para tapusin ang conflict.
Ngunit ang ceasefire, na nagsimula noong Oktubre matapos ang dalawang taong labanan, ay paulit-ulit na naaapektuhan ng karahasan.
Ayon sa local health officials, mahigit 500 Palestinians ang napatay sa Gaza mula nang magsimula ang ceasefire, habang apat na Israeli troops ang napatay ng Palestinian militants.
Noong Sabado, naglunsad ang Israel ng airstrikes na pumatay ng hindi bababa sa 30 katao.
Sinabi ng Israel na ito ay tugon sa paglabag ng Hamas sa ceasefire noong Biyernes, matapos lumabas ang mga militant mula sa tunnel sa Rafah.

