BABALA: SENSITIBONG BALITA!
RAID NG MGA PULIS SA ALIAGA, NAGRESULTA SA PAGKAKAKUMPISKA NG P100K HALAGA SHABU AT MGA BARIL
Umaabot sa isandaang libong pisong halaga ng illegal na droga at mga baril ang nakumpiska ng mga awtoridad sa inilunsad na raid sa isang bahay sa bayan ng Aliaga noong October 15, 2024.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ng RTC Third Judicial Region sa Cabanatuan City laban kay alias AKOT, trentay singko anyos, at residente ng Barangay Umangan, Aliaga ay hinalughog ng kapulisan ang kaniyang tahanan na sinaksihan umano ng mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Acting Provincial Police Director Ferdinand Germino, 3:30 ng hapon sumalakay ang Aliaga police na nagresulta sa pag-aresto kay Akot at pagkakasamsam mula sa kanya ng sumusunod na kontrabado:
One (1) improvised shotgun;
Labimpitong mga bala para sa 12GA shotgun;
Isang caliber .45 pistol (Colt) na kargado ng apat na bala;
Drug paraphernalia kabilang ang disposable lighter at improvised tooter pipe; at
30 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 14.3 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng higit Php 97,200.00.
Nahaharap sa mga kasong violations of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) and RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

