Hindi alintana ang matinding sikat ng araw para sa mga member ng RG Community Batch 69 sa isinagawang Free road safety and Riding Skills training na ginanap sa NE Pacific mall Cabanatuan City noong April 21, 2024.

Kulang 400 ang mga Riders participants at 80 aspirant ang kasama sa nasabing training, mula sa ibat ibang Lalawigan gaya ng Cagayan, Pangasinan, Pampanga, Tarlac, La Union, Bulacan, Baguio, Batangas, NCR at ang host Nueva Ecija.

Ayon sa kanilang BOD Director General na si RG 05 Arn Vince, layunin ng RG Community sa nasabing training na matutunan ang motorcycle enhancement skills program, spread kindness sa buong komunidad, magiging responsible sa pagmamaneho, pagtulong sa kapwa riders sa daan, at higit sa lahat sa paghahanda sa natural disaster gaya ng lindol, bagyo, pagbaha, lalo na ang pinangangambahang The Big One.

Ang training ay sinimulan sa isang lecture na kung saan itinuro ang defensive driving, ang tamang paggamit ng preno, at ang paggamit ng manibela, lalo na sa mga blind spot at pagdating ng tanghali hangang hapon ay ang actual driving naman ng mga aspirant.

Dito nakita kung natutunan nila ang mga itinuro at kung naipasa nila ang training.

Pagkatapos ng training ay nagkaroon naman ng graduation rides at pasasalamat ng mga aspirant sa kanilang mga RG trainers.

Kaya para sa aspirant na isang lady riders mula Gapan City, mahalaga ang ganitong mga training para ma enhance ang kanilang driving skills.

Ayon kay RG Joane Cruz North Province Coordinator, ang RG Community ay binubuo ng mga grupo ng mga motorcycle riders all over the Philippines kabilang ang different subgroups, gaya ng RG Mechanics, RGAirwaves, RGSNIPERS, RG Emergency Response Team, RG Mother Earth at RG Charities.

Layunin nito ay to spread kindness sa buong komunidad at magpalaganap ng kaalaman patungo sa pagiging responsableng pagmamaneho, pagtulong sa kapwa riders lalo na kapag may nasiraan sa daan at pagiging handa sa panahon ng kalamidad para makatulong sa kumunidad.

Sa ganitong mga training naihahanda ang mga riders kung papaano magagamit ang kanilang mga motorsiklo pagdating sa Emergency Disaster.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang RGEN Nueva Ecija sa Provincial Government sa LED WALL na ginamit sa Training at Mobile Kucina para sa Breakfast ng mga Riders, Wheeltek group of companies at sa NE Pacific Mall.