RIDE GUARDIANS’ COMMUNITY NUEVA ECIJA SECTOR, NAGSAGAWA NG STREET GIVING CHARITY EVENT
Naghatid ng saya at tulong ang Ride Guardians Community Nueva Ecija Sector sa mga kababayan sa pamamagitan ng Christmas Street giving charity event na isinagawa noong Disyembre 12, 13, 22 at 23, 2024.
Ang inisyatibong ito na nagpapakita ng malasakit at pagkakaisa ay nakapaghatid ng munting tulong sa maraming mahihirap na pamilya at indibidwal sa 4 na distrito ng lalawigan.
Ang mga miyembro ng grupo ay nag-convoy upang maghatid ng mga food packs na kanilang hinanda lalo na sa mga batang lansangan . Layunin din ng aktibidad na palaganapin ang kabutihan at pagkakaisa sa pagitan ng mga riders at ng kanilang komunidad at maghatid ng munting saya ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Ms. Joane Cruz, North Provinces Area head ng Ride Guardians community, ito ay paraan nila ng pagbibigay-pugay at pagbibigay ng positibong epekto, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan upang magdala ng ngiti at pag-asa sa mga nangangailangan.
Mainit na tinanggap ng mga benepisyaryo ang grupo, at marami ang nagpahayag ng pasasalamat sa napapanahong tulong. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Nueva Ecija Charity Head, Ophaline Joyce Asurto sa tulong narin ng mga leaders at myembro ng RGen Nueva Ecija.
Pangako ng Ride Guardian Community Nueva Ecija Sector na ipagpapatuloy ang ganitong mga makataong gawain bilang bahagi ng kanilang misyon na itaguyod ang kaligtasan sa kalsada, pagkakaisa, at paglilingkod sa komunidad.

