Kumasa sa hamon ni Core Gateway Colleges president Danilo Vargas sa San Jose City ang anim na grupo ng graduating students ng Bachelor of Science in Computer Science na lumikha ng makabagong thesis projects.
Sa anim na grupo, matagumpay na naka-imbento sina Marvin Agustin ng isang robot na kayang bumati gamit ang voice recognition at hand wave sensor. Pinangalanan nila itong CHIRP o Computer-Human Interaction Robotic Precision.
Kung sina Marvin ay nakalikha ng robot na may kakayanang ulit-ulitin ang isang galaw, ang limang natitirang grupo ay nakagawa naman ng iba’t ibang klaseng machines.

