Bahagi na ng kulturang Pinoy ang pagsasabit ng pera sa bagong mag-asawa habang nagsasayaw na ginaganap sa venue pagkatapos ng seremonya ng kasal.
Ginagamit ang perang malilikom dito bilang panimula ng mag-asawa sa pagbuo ng pamilya.
Sa post ni Ana Mariel Palaran Obado sa kanyang Facebook reels na mayroon nang 2.6 million views ay makikita ang bagong kasal na sina Jomz at Almz ng Silang, Cavite na sinasabitan ng kanilang mga bisita ng pera ngunit may kasamang papel na may mensahe sa mag-asawa.
Halos lahat ay nagsabing paunang sabit muna ang kanilang binigay at pagdating nalang ng bonus ang balanse o kulang dahil hindi pa daw nila natatanggap ang kanilang Christmas bonus.
Bakas naman sa mukha ng bagong kasal ang kasiyahan sa pagdalo ng kanilang mga kapamilya at kaibigan.

